Saturday na nman and my last week of work before goin home to BCD for the holidays, yahhooo!!!
… anyway, I’m sitting with my officemates and we’re talking anything under the sun but we’re really havin much fun when we’re talkin about the different terms we Filipinos used based on our status.. sa sobrang tuwa ko kanina it made me to seek more in the net, hahaha … funny isn’t it? that’s life, that’s reality … it bites ![]()
————————–
MAYAMAN: meron kang “allergy”;
MAHIRAP: ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”.
MAYAMAN: “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”.
MAHIRAP: “sira ulo”;
MAYAMAN: sa “malikot ang kamay” ang tawag ay “kleptomaniac”;
MAHIRAP: ang tawag ay “magnanakaw”.
MAYAMAN: you’re “eccentric”;
MAHIRAP: “may toyo ka sa ulo”.
MAYAMAN: kung sumasakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”.
MAHIRAP: “nalipasan ng gutom”;
MAHIRAP: kung isa kang maalembong tawag sa iyo “Malandi” ka ;
MAYAMAN: ikaw ay “liberated”.
COFEE
MAYAMAN: Starbucks
MAHIRAP: Kopiko at isang basong tubig
ANAK NILA AY SIRA ULO
MAYAMAN: Special child ang anak ko
MAHIRAP: Abnoy ang anak ko
HONEYMOON
MAYAMAN: Saan mo gusto honey sa France, Boracay, Italy, Greece, Hawai?
MAHIRAP: T@ng na!! na naliligo pa si bayaw sa banyo!!? Pwede na dito sa sahig
SA PAGLULUTO NI MISIS
MAYAMAN: Honey i love this what do you call this soup?
MAHIRAP:kung anu-ano kasi ang pinagbabasa mo e..bakit hindi na lang cook book ang basahin mo ng sumarap-sarap naman ang luto mo!!
GRO
MAYAMAN: pare dito tayo sa Pegasus
MAHIRAP: (kinakausap ang prosti) lalaki ka ba o babae??
DRUGS
MAYAMAN: Cocaine, Marijuana etc..
MAHIRAP: Rugby
TIRAHAN
MAYAMAN: Ayala alabang
MAHIRAP: aYALA alabang gilid
Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”;
pero ang senorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay “morena” o “kayumanggi”.
Kung nasa high society ka, you are called “slender” o balingkinitan”;
kung MAHIRAP ka, you are plainly called “payatot” o “patpatin” o “ting-ting”.
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay “cute and petite”;
kung MAHIRAP ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot” o “unano” o “Gloria”
Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”
Kapag MAHIRAP ka, ika’y “mataba”, “tabatsoy” o “lumba-lumba” o “baboy” pag medyo bata pa ikaw “biik”
Kung MAHIRAP ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay “pakawala”;
kung MAYAMAN, ikaw ay “game”.
Kakaawa ang MAHIRAP na puro gulay ang kinakain Habang health conscious
ang tawag sa mayayamang ganito
Walang hiya ang mga mahihirap na batang sumasagot sa mga guro Pero pag sumagot ang mga nasa exclusive school, sila’y assertive
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”;
Ang MAYAMANg tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”.
Ang anak ng MAYAMAN ay “slow learner”;
ang anak ng ma hirap ay “bobo” o “gunggong”.
———
taken from pinoyexchange
One Response for "difference of mayaman & mahirap"
add this up…hehehe
Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo
Kung mahirap, “TB” yon
Sa mayaman, “hyperacidity”
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”
Kung ang se�orita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o
“baluga”
Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay “petite”
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot”
Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba”…pagminamalas ka,
“baboy”
Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain
Kung mahirap, “nagtitiis”
Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay “socialite”
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”
Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”
Kapag mayaman at sexy, “fashionable” daw
Kung mahirap, sigurado “GRO” o “japayuki” ka
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo.”
Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa
kanila ay “bastos!”
Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior
citizenhood”
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
“masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking”
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your
host will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”, ang “takaw”…..bla.bla.bla…..
Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho,
ang tawag sa iyo “expat”
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”
Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, “okay lang”
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay” nagbubulakbol”…
kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod ang boss mo!
Leave a reply